Most Outstanding COVID-19 Volunteer sa Region 2, Nakuha ng Isang Doktora

*Cauayan City, Isabela*- Pinarangalan ng Regional Development Council (RDC2) ang ilang mga indibidwal sa rehiyon dos na nagboluntaryong tumugon sa COVID-19 pandemic sa pangunguna ni Isabela Governor Rodito Albano III sa ginanap na RDC2 118th Regional Business Meeting sa Provincial Capitol ng Isabela.

Mula sa labing-isa (11) na nominadong volunteers para sa Most Outstanding COVID-19 Volunteers sa buong Lambak ng Cagayan ay napili si Dr. Zsa-Zsa May T. Meneses mula Tuguegarao City.

Si Dra. Meneses ay nagsagawa ng kanyang proyekto bilang pagtugon sa pandemya gaya ng pamimigay ng libreng gamot, hygiene kits gaya ng alcohol, face masks, face shield, libreng medical consultation via online at pamamahagi ng mga tablet sa mga katutubong Agta na iskolar para sa kanilang online classes.


Bukod dito, mayroon din itong mga isinagawang proyekto na pinangalanang ‘Hatid ni Rider’ project, ‘Munting Learning’ project at ‘Little Care for the Agta’ Project.

Dahil dito, irerepresenta ni Dra. Meneses ang buong Lambak ng Cagayan para sa National level.

Samantala, binigyan din ng pagkilala ng RDC2 ang ibang nominado sa rehiyon na nagbigay din ng tulong ngayong may COVID-19 pandemic.

Facebook Comments