Nasa 50% nang kumpleto ang konstruksyon ng Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay.
Matatandaang natengga ng halos labing isang taon, ang konstruksyon ng BIA dahil sa construction delay.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) sa ngayon, 100% nang tapos ang ilan sa mga bahagi ng BIA gaya ng airstrip, runway, taxiway apron at perimeter fence.
Inaasahan namang matatapos ang konstruksyon ng naturang paliparan pagsapit ng 2020.
Kapag naging operational ang tinaguriang “most scenic airport” sa bansa, inaasahang kaya nitong tumanggap ng dalawang milyong pasahero kada taon.
Facebook Comments