‘MOST URGENT’ | Dagdag na sahod at inflation, importanteng isyu na dapat tugunan ng Duterte Administration – Pulse Asia Survey

Manila, Philippines – Nananatiling importanteng isyu sa mga Pilipino na dapat agad na matugunan ng Duterte Administration ang dagdag na sahod at pagkontrol sa tumataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Base sa 1st quarter survey ng Pulse Asia na isinagawa mula March 23 hanggang 28, 50% ng mga Pilipino ang nais ng umento sa sahod, mas mataas kumpara sa 39% noong December 2017.

45% naman ang nagsasabing dapat makontrol ang inflation.


Bukod dito, ilan pang isyu na gusto ng mga Pilipino na maresolba ng kasalukuyang pamahalaan ay ang kahirapan (35%), dagdag na trabaho (32%), kriminalidad (27%), korapsyon sa Gobyerno (22%), pagsusulong ng kapayapaan (22%), pagtapyas sa binabayarang buwis (15%), proteksyon sa mga OFW (13%), pagpapatupad ng rule of law (10%) at pagpapahalaga sa kalikasan (10%).

Facebook Comments