
Nahuli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camarines Sur ang isa sa mga pinaka-wanted na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isang operasyon sa Brgy. Manga, Bato, Camarines Sur.
Ang suspek na si alias “Jason” ay may anim na warrant of arrest para sa mga sumusunod na kaso 4 counts ng Terrorism Financing, 3 counts ng Murder, Attempted Murder, Carnapping at Illegal Discharge of Firearm.
Ayon sa CIDG ang suspek na kasapi ng CPP-NPA ay kabilang sa Regional Special Operations Group ng Bicol Regional Party Committee.
Base pa sa ulat, siya rin ang ika-lima sa listahan ng Most Wanted Persons ng lalawigan ng Sorsogon.
Konektado rin si alias Jason sa grupo ng CTG ni Nuyda na sangkot sa dalawang engkwentro laban sa militar.









