Most wanted drug personality, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Quezon

*Quezon Province – *Patay ang top 3 most wanted drug personality sa bayan ng San Andres matapos manlaban sa mga otoridad.

Sa report – isisilbi sana ng mga pulis ang dalawang search warrant laban kay Joseph Reymond Moseros para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition pero nang paparating na operatiba dito nanlaban ang suspek.

Maliban sa apat na sachet ng shabu, narekober kay Moseros ang isang caliber 38 revolver at isang fragmentation grenade.


Matagal nang minamanmanan si Moseros kayat’ nagpasya ang mga otoridad na madaling araw isagawa ang operasyon laban dito.

Facebook Comments