Thursday, January 15, 2026

Most wanted na Chinese para sa maraming kaso na kaugnay ng bouncing checks law, naaresto ng PNP sa Davao

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang 40 taong gulang na babaeng Chinese na negosyaste sa kinasang warrant of arrest sa kahabaan ng KM 9, Paradise Road, Sasa, Davao City.

Ang nasabing babae ay nasa listahan ng Most Wanted Person para sa 4 na counts ng Batas Pambansa Blg. 22 o Boucing Checks Law.

Naging posible ang pagkakaaresto sa nasabing suspek dahil sa bisa ng warant na inisyu ng Metropolitan Trial Court, Branch 3, sa Manila, kung saan ito ay may inirekomendang 120,000 pesos na pyansa sa bawat bilang ng kaso.

Sa ngayon , ang nasabing akusado ay nasa kustodiya na ng Sasa Police Station 4 .

Ayon kay Acting PNP Chief Lt. General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi hahayaan ng PNP na mamuhay ng komportable ang mga pugante hanggat hindi nareresolba amg mga kasong inihain sa kanila.

Dagdag pa nya, ang bawat warrant na isinisilbi ay isang hakbang papalapit sa hustisya at sisiguraduhin din ng ahensya ma naipatutupad ang bawat utos ng korte.

Facebook Comments