Most wanted person sa Central Luzon, huli ng CIDG matapos magtago ng 1 taon

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang tinaguriang Most Wanted Person (MWP) sa Central Luzon.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PBGen. Romeo Caramat, naaresto ang suspek na kinilalang si Arnold Ferrer Peñaflor, 25yrs old na nagtago sa batas sa loob ng 1 taon.

Ani Caramat, nadakip si Peñaflor matapos ikasa ang manhunt operation sa Brgy. Cut-Cut, Angeles City, Pampanga nuong Huwebes ng umaga.


Si Peñaflor ay mayroong warrant of arrest dahil sa kasong statutory rape.

Dagdag pa ng opisyal, si Peñaflor ang No.8 Regional Level MWP sa Region 3, No. 10 Provincial Level MWP sa Pampanga, at No. 1 Municipal Level MWP sa Angeles.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng CIDG ang suspek.

Facebook Comments