
Arestado ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa Dasol, Pangasinan matapos dakpin ng mga tauhan ng Dasol Police Station noong Pebrero 11, 2026 kaugnay ng dalawang magkapatong na kaso ng rape.
Kinilala ang suspek bilang isang 59-anyos na lalaki, may asawa at nagtitinda ng isda, na residente ng nasabing bayan.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng rape kung saan walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa kustodiya ng Dasol Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.
Ayon sa pahayag ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office, bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa lalawigan.
Patuloy din ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon kaugnay ng mga kriminal na aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.










