Cauayan City – Napasakamay ng mga otoridad ang isang magsasaka na itinuturing na Most Wanted Person sa Brgy. Mabnang, Claveria.
Kinilala ang suspek na si alyas “Junie,” 34 anyos, at residente ng nasabing lugar
Ang suspek ay may dalawang kaso ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na may piyansang Php 120,000 bawat isa.
Dinala ang suspek sa Claveria Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso bago ito iharap sa korte.
Ayon kay Police Colonel Mardito G. Anguluan, Provincial Director, ang pagkakaaresto kay alyas “Junie” ay patunay ng masusing kampanya ng mga pulis laban sa mga wanted persons at sa pagsulong ng hustisya para sa mga biktima ng karahasan.
Hinikayat din niya ang publiko na makipagtulungan sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa komunidad.