MOST WANTED PERSON SA SAN MANUEL, ARESTADO SA KASONG HUMAN TRAFFICKING

Naaresto ng pulisya ang isang Most Wanted Person sa antas munisipal sa isinagawang operasyon noong Enero 9, 2026 sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.

Ayon sa San Manuel Municipal Police Station, ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Human Trafficking sa ilalim ng Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng e-warrant of arrest, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon habang isinasagawa ang mga susunod na legal na proseso.

Ayon sa pulisya, ang operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng Enhanced Management of Police Operations (EMPO) bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments