Most Wanted sa Libmanan dahil sa Kasong Rape, Naaresto sa Pili, CamSur

Nasa kamay na ng batas ngayon ang Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Libmanan. Kinilala ang suspect na si Quario Comia, edad 23, binata at residente ng Barangay Caima, Libmanan, Camarines Sur.
Si Quario, isang construction worker, ay number 1 sa listahan ng Libmanan Police sa salang rape.
Inaresto ang suspect sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Honorable Judge Irma Isidora M. Boncodin-Zamudio n RTC Branch 57.
Si Quario ay nahaharap sa dalawang counts ng panggagahasa sa ilalim ng CC # L – 6557 at L – 6558, at walang inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.
Naaresto si Quario nitong nakaraang November 25, 2017, bandang alas 10:35 ng umaga sa Barangay Cadlan, bayan ng Pili sa Camarines Sur.
Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng Libmanan MPS sa pangunguna ni PO1 Michael S. Losito at MPS Pili sa pangunguna ni PO1 Michael Oliver.
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!

Facebook Comments