Mosyon ng kampo ni VP Duterte na i-dismiss ang impeachment, pinapabasura ng House Prosecution Team

Hiniling ng House Prosecution Team sa Senate Impeachment Court na simulan na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte at huwag pagbigyan ang hirit na ibasura ang impeachment case.

Ito ang laman ng tugon ng House Prosecution Panel sa Answer Ad Cautelam na isinumite ni VP Duterte sa Senate Impeachment Court.

Ayon sa tapagsalita ng prosecution team na si Attorney Antonio Bucoy, lumalabas na bahagi ng legal strategy ng kampo ni VP Sara na ipa-dismiss ang impeachment at pigilan ang paglilitis.

Para kay Bucoy, puro pagtanggi lamang at walang batayan o depensa sa inihaing dokumento ng bise presidente kaya hindi ito dapat bigyang-pansin ng Senate Impeachment Court.

Facebook Comments