Mosyon ng Solicitor General na bawiin ang unconstitutionality ng batas na nagpapaliban sa BSKE, ibinasura ng Korte Suprema

Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng Office of the Solicitor General (OSG) na naglalayong bawiin ang unconstitutionality ng batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Matatandaang noong October 11 nang maghain ng motion for partial reconsideration ang OSG sa naging desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang pagpostpone ng BSKE noong December 5, 2022 at ang pagtatakda nito sa huling Lunes nang Oktubre ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Korte Suprema, ang susunod na BSKE ay dapat idaos sa unang araw ng Lunes ng Desyembre 2025, na inaapela naman ng Commission on Elections (Comelec) dahil dapat anilang respetuhin ang three year term of office ng mga BSKE officials.


Nauna na ring sinabi ng poll body na mahirap para sa kanila ang pagdaraos ng BSKE sa 2025 kasabay ng midterm elections.

Facebook Comments