Binasura ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal , ang hirit ng kampo ni Vice President Leni Robredo hinggil sa agarang pagpapalabas ng PET ng resolusyon at pagbasura sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ayon sa PET, premature ang hirit ng kampo ni Robredo dahil hindi pa nila nakukumpleto ang proceedings partikular sa judicial recount, revision at appreciation ng mga boto mula sa pilot provinces.
Iginiit pa ng PET na ang figures na sinasabi ng Robredo camp kung saan sila raw ang tunay na lamang ay speculative.
Base sa claim ng kampo ni Robredo, lamang sila ng 15,000 na boto base sa takbo ng revision at recount.
Pinagpapaliwanag din ng PET ang Comelec sa kawalan ng ballot images mula sa limang clustered precincts sa Camarines Sur at Iloilo.
Kailangan din anilang maglabas ang poll body ng non-chronological sequencing o ang hindi pagkakasunud-sunod na ballot images at ang sinasabing sobrang ballot images sa isang clustered precinct sa Camarines Sur.