Mosyon para sa pagpapabasura ng ebidensya hinggil sa kaso ng dating unang Ginoo Jose Miguel Arroyo, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Sandiganbayan 7th Division ang “Motions for Leave of Court to File Demurrer to Evidence” na inihain ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo laban sa prosekusyon.

Ang kasong kinakaharap ng dating unang ginoo sa Sandiganbayan ay kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng mga helicopter ng Philippine National Police (PNP) noong 2009.

Ibinasura ng anti-graft court ang mosyon ni Arroyo dahil mayroon umanong sapat na batayan ang kasong graft at falsification na isinampa ng prosekusyon.


Inihain ng prosekusyon ang kaso noong 2012 kaugnay ng pagbili ng PNP ng dalawang secondhand na Robinson R44 helicopters na pinalabas na brand new.

Ang mga helicopter ay binili ng PNP mula sa LTA Inc., na may kaugnayan naman kay Mr. Arroyo.

Facebook Comments