Tuloy ang pagsasampa ng kasong Graft laban kay dating Agriculture Undersecretary at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Eduardo Gongona.
Ito ay matapos na ibasura ng Office of the Ombudsman ang dalawang motion for reconsideration ng dating opisyal na humihiling na pag-aralan ng Anti-Graft Court ang kaso laban sa kanya.
Ang kaso ay may kaugnayan sa kontrobersyal na P2-B Vessel Monitoring System o VMS Project.
Ito ang proyekto na naglalayong maprotektahan ang yamang dagat at malabanan ang ilegal na pangingisda sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Sa 13 pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, ibinasura ang mga mosyon ni Gongona dahil sa kawalan ng mga bagong ebidensya na makakapagpabago sa naunang desisyon ng Korte noong Pebrero 5, 2024.
Kasama ni Gongona sa kaso sina dating BFAR National Director Demosthenes Escoto at Simon Tucker, ang CEO ng United Kingdom-Based RT Marine Systems Solutions o SRT UK.