Motibo at timing ng ICC na imbestigahan ang war on drugs ng Pangulong Duterte at ang Davao Death Squad, kinukwestyon ng isang kongresista

Duda si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa motibo at “timing” ng desisyon ng International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber na paimbestigahan ang giyera kontra droga ng Duterte administration at ang “Davao Death Squad.”

Sa privilege speech ni Yap, tahasang sinabi ng kongresista na kahina-hinala ang tiyempo ng ICC na kung kailan malapit na ang “political season” dahil sa election 2022 ay saka naman umeeksena ang ICC na matagal ding panahon na nanahimik.

Kinuwestyon din ng kongresista kung bakit nakakaladkad sa imbestigasyon ng ICC ang Davao City, na hometown ni Pangulong Duterte, gayong ang naturang lungsod ay isa sa itinuturing na “safest cities” sa bansa.


Iginiit naman ni Yap na matagumpay at naging epektibo ang giyera kontra droga ng gobyerno dahil maraming mga drug addicts ang nawala at nabawasan din umano ang krimen sa bansa.

Matatandaan na hiniling ni dating Prosecutor Fatou Bensouda sa ICC na imbestigahan ang “crimes against humanity” laban kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments