Mindanao, Philippines- Rido at work related ang ilan sa mga tinitingnang motibo ngayon ng kapulisan sa naganap na pagpatay sa DepEd Supervisor ng Lanao del Sur.
Kinilala ng PNP ang biktima na si Nasser Babay Dibansa, 58 anyos, residsnte ng Poona Bayabao ng nasabing probinsya.
Naganap ang insidente dak8ng alas 5:40 ng hapon sa loob ng isang comfort room ng isang gas station sa Brgy. Making, sa bayan ng Parang lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Parang Municipal Police Chief, Sr. Inspector Erwin Tabora na mula sa bayan ng Upi, Maguindanao ang biktima makaraang dumalo sa opening ceremony ng ARMMAA meet 2017 na isinagawasa bayan ng Upi sa lalawigan parin ng Maguindanao.
Pumasok umano sa loob ng CR ng nasabing gas station upang maghugas bilang paghahanda sa kanyang pagdarasal ng lapitan ng salarin.
Tinangka pa umano ng biktima na agawin ang baril ng suspect bago sya pinaputukan ng dalawang beses sa dibdib.
Matapos ang pamamaril, mabilis namang tumakas ang suspect patungo sa nag-aabang na Toyota Fortuner at manilis na tumakas patungo sa direksyon ng Lanao del Sur.
Isinugod naman sa aspital ang biktima ngunit binawian ito ng buhay dakong alas 10 ng gabi.
Lumalabas din sa imbistigasyon ng kapulisan na habang tinatahak ng biktima at ng mga kasamahan na sakay din ngnisang Toyota Fortuner ay napansin na nila ang sasakyan ng mga suspect na matagal ng nakabuntot sa kanila.
Facebook Comments