Motibo sa Pagpaslang sa Isang LGBT, Tukoy Na!

*Tuguegarao City- *Nadakip na ng mga pulisya sa bayan ng Aparri, Cagayan ang itinuturo na pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay kamakailan sa isang bading sa tabing-dagat ng nabanggit na bayan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, matinding selos ang nag-udyok sa suspek na kinilalang si John Joshua Talosig, 18 taong gulang na residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa sinumpaang salaysay ng suspek, tinangka umano siyang gahasain ng biktimang si Anthony Basilio, 25 taong gulang o mas kilala bilang Ernie.


Nanlaban umano ang suspek hanggang sa undayan nito ng dalawampung saksak sa katawan ang biktima na nag resulta sa agaran nitong kamatayan.

Bigo namang marekober ng pulisya ang kutsilyong ginamit ng suspek sa krimen.

Mahaharap ngayon sa kasong Homicide ang suspek.

Facebook Comments