Manila, Philippines – Matapos magsumite ng mga komento ng kampo ni Senador Antonio Trillanes IV at ng DOJ ukol sa inihain nilang magkahiwalay na motion for partial reconsideration, submitted for resolution na ito sa Makati RTC Branch 148.
Kaugnay pa rin ito ng resolusyon ni Judge Andres Soriano na nagsasaad na constitutional ang Proclamation No. 572 na nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Trillanes sa kasong kudeta.
Ayon kay Atty. Rey Robles, abogado ni Trillanes, tatlong buwan ang pinakamahabang panahon na binibigay ng korte upang makapaglabas ng resolusyon, pero maaari itong mapaaga depende narin kay Judge Soriano.
Giit ni Robles, isang pagsakop na kapangyarihan ng hudikatura ang umano ay paggamit ng proklamasyon upang ipabasura ang isang existing court decision.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang DOJ at agad umalis pagkatapos ng pagdinig na tumagal lamang ng ilang minuto.