MOTION FOR RECONSIDERATION | COMELEC, ibinasura ang mosyon ni San Juan City Mayor Guia Gomez laban sa recall petition

Manila, Philippines – Ibinasura ng Commission on Election (COMELEC) ang motion for reconsideration ni San Juan Mayor Guia Gomez na humihiling na maibasura ang election recall petition ng katunggaling si Francis Zamora.

Sa resolusyon ng COMELEC na inilabas noong April 17, pinagtibay nito ang desisyon na “sufficient in form and substance” o may batayan ang mosyon ng mga petitioner.

Ayon kay San Juan COMELEC Election Officer Atty. Gregorio Bonifacio, magsisimula ang verification ng mga lagda sa April 25 na gagawin sa San Juan Gymnasium.


Sakaling mapatunayang tunay ang kahit labing limang libo lamang sa tatlumpung libong lagda, itatakda na ang petsa ng recall petition.

Samantala, una nang naghain ng petisyon si Gomez sa Korte Suprema upang mapatigil ang recall election.
Wala kasi umanong quorum ang komisyon nang i-deliberate ang resolusyon.
Matatandaang, nitong Enero, sinabi ni Zamora na nasa 30 libong mga taga San Juan ang lumagda sa nasabing petisyon na kumukwestyon sa pagkapanalo ni Gomez bilang Mayor ng San Juan City, noong 2016 elections.

Facebook Comments