MOTION FOR RECONSIDERATION | Dating CJ Sereno, pormal nang umapela

Manila, Philippines – Naghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang kampo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno hinggil sa desisyon ng Supreme Court en banc pabor sa quo warranto petition na siyang nagpatalsik sa kanya sa pwesto.

205 pahinang mosyon ang isinumite ng panig ni Sereno kung saan sakto sa 15 araw na palugit na itinakda na puwedeng umapela mula sa araw na natanggap ni Sereno ang desisyon sa quo warranto.

Sa kaniyang apela, iginiit ni Sereno na nalabag ang kaniyang karapatan para sa due process nang tumangging mag-inhibit ang anim na mahistradong bumoto sang-ayon sa quo warranto.


Umapela rin si Sereno sa korte na sundin ang itinakda ng saligang batas na tanging sa impeachment lang mapapatalsik impeachable official gaya niya.

Facebook Comments