Makikipag-ugnayan na ang Commission on Elections (Comelec) sa Office of Solicitor General para sa paghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court.
Ito’y sa isyu ng pagpabor ng Korte Suprema sa Smartmatic para makasali sa mga susunod na bidding.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kakausapin nila ang SolGen para sila ay katawanin sa nasabing isyu.
Matatandaan na una ng inihayag ng Korte Suprema na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Comelec ng i-disqualify nito ang Smartmatic sa bidding para sa 2025 elections.
Sa desisyon ng En Banc, hindi raw dapat agad dinisqualify ang Smartmatic dahil hindi pa naman nagsisimula ang bidding ng magdesisyon ang poll body.
Pero naninindigan ang Comelec na dapat ma-disqualify ang Smartmatic dahil sa pagkakasangkot nito sa suhulan noong 2016 election.