Motion for reconsideration ng kampo ni dating BuCor Chief Bantag, ibinasura ng DOJ

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) panel ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ng dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag na siyang pangunahing respondent sa reklamong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at sa inmate na si Jun Villamor.

Ang motion for reconsideration ni Bantag ay may kaugnayan sa naunang ruling na nagbabasura sa motion for prohibition.

Una kasing iginiit ng kampo ni Bantag na magkakaroon ito ng conflict sa magiging desisyon ng Office of the Ombusdman, kung saan siya naghain ng kasong murder laban kay Justice Sec. Crispin Remulla.


No show muli sa pagdinig kanina sa DOJ si Bantag.

Ipagpapatuloy naman ng DOJ panel ang preliminary investigation sa kasong pagpatay kina Lapid at Villamor sa Pebrero 8.

Una nang iginiit ng kampo ni Lapid na si Journalist Mabasa na inaasahan na nila ang worst case scenario lalo na ang aniya’y delaying tactics ng kampo ni Bantag.

Facebook Comments