Motion for reconsideration ng PNP- CIDG para maibasura ang kasong katiwalian laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde, ibinasura ng Ombudsman

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mosyon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na humihiling na baliktarin ng anti-graft court ang nauna nitong desisyon na nag-aabsuwelto kay dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Kaugnay ito sa reklamong pakikialam umano nito sa isyu ng pagkakakumpiska sa mga droga sa Pampanga noong 2013.

Sa inilabas na resolution ng Ombudsman, sinabi nitong kinulang sa sapat na ebedensiya ang CIDG para humirit na bawiin ang naunang desisyon nito.


Bukod dito, kulang na sa panahon ang panig ng CIDG nang isampa nito ang motion for reconsideration batay sa isinasaad ng procedure of the rule’s ng Office of the Ombudsman.

Dagdag pa ng Office of the Ombudsman, wala nang dahilan upang baliktarin nila ang kanilang naunang desisyon dahil ang mga argumento na nakasaad sa motion for reconsideration ng CIDG ay katulad din ng naunang iniharap sa Ombudsman na ibinasura din nito.

Facebook Comments