Motion for Reconsideration ng Uber at Grab, aantayin ng LTFRB bago magbaba ng pinal na desisyon ukol sa operasyon ng TNVS

Manila, Philippines – Natapos na ang meeting dito sa senado ng mga kinatawan ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board o LTFRB sa mga kinatawan ng Transport Network Vehicles o TNVs tulad ng Grab at Uber.

Kasama sa meeting sina Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe at Vice Chairman Senator JV Ejercito.

Ayon kay Ejercito, sa nabanggit na pulong sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na bibigyan nila ng pagkakataon ang Uber at Grab na makapaghin ng Motion for Reconsideration kaugnay sa kanilang pasya na suspendehin ang pagpasada ng kanilang mga sasakyan dahil sa kawalan ng permit at prangkisa.


Sabi pa ni Ejercito, mahalaga na hanggat walang pinal na pasya ang LTFRB ay magpatuloy ang serbisyo ng Uber at Grab dahil napakaraming mananakay ang umaasa sa serbisyo ng mga ito.

Sa meeting ay ipinaliwanag ni LTFRB Chairman Delgra na ginagampanan lang nila ang tungkulin bilang regulatory arm ng pamahalaan.

Tiniyak naman nina Leo Emmanuel Gonzales, public affairs head ng grab at Atty. Yves Gonzales, government relations head ng Uber na bukas ay maghahain na sila agad ng Motion for Reconsideration.

Sabi pa ni Gonzales, ang pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang maghain ng MR ay magbibigay ng pagkakataon sa LTFRB at TNVS na maplantsa ang mga isyu kaugnay sa kanilang operasyon.

 

Facebook Comments