Motion for reconsideration ng Uber hinggil sa one month suspension, ibinasura ng LTFRB

Manila, Philippines – Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang motion for reconsideration ng Uber hinggil sa naunang one month suspension order na inilabas ng ahensya.

Sa tatlong pahinang resolusyon, iginiit ni LTFRB Chair Martin Delgra na nilabag ng Uber ang utos nilang huwag munang tumanggap ng mga bagong aplikasyon.

Sabi naman ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, huwag sanang sagarin ng Uber ang kanilang pasensya.


Matatandaang noong Hulyo ay binawi ng ahensya ang kanilang colorum crackdown laban sa mga Uber at Grab units.

Bago pa ito, pinagmulta na ng LTFRB ang dalawang Transport Network Corporations ng P5 million bawat isa dahil sa mga paglabag.

Facebook Comments