Motion for reconsideration ni Deniece Cornejo kontra sa piyansa ng aktor na si Vhong Navarro, binasura ng Taguig Court

Binasura ng Taguig Regional Trial Court ang motion for reconsideration na inihain ni Deniece Cornejo laban sa desisyon ng korte na nagpapahintulot kay comedian-host Vhong Navarro na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa desisyon ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig RTC, Branch 69, iginiit nito na kulang sa merito ang apela ni Cornejo kaya ito nabasura.

Wala rin aniyang conformity mula sa public prosecutor ang inihain ni Cornejo na motion for reconsideration.


Nitong December 6 ay nakalaya si Navarro mula sa tatlong buwang pagkakakulong matapos makapagpiyansa sa kaniyang kasong rape na binuhay ng kampo ni Cornejo.

Facebook Comments