Manila – Ngayong araw ihahain ng Comelec ang motion for reconsideration sa Supreme Court kaugnay sa pag-iisyu ng resibo sa halalan.Pero ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista – tuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa Voters Verified Paper Audit Trail o VVPAT.Kahapon napag-usapan sa kanilang special en banc session ang posibleng pag-postpone ng eleksyon sa Mayo-a-nuebe.Pero tiniyak ni Bautista – na ginagawa nila ang lahat ng paraan para matiyak na malinis at mapayapa ang halalan kahit apektado ang kanilang preparasyon.Batay sa desisyon ng Korte Suprema – itinatakda ng batas sa automated election na dapat ang gagamiting makina ay makakapag-isyu ng resibo para matiyak ang malinis na eleksyon.
Facebook Comments