Manila, Philippines – Hiniling ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na panatilihin ang desisyon nito na siyang nagpatalsik sa pwesto kay Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa 75 – pahinang komento, pinababasura ni Calida ang Motion for Reconsideration (MR) na inihain ni Sereno dahil sa kawalan ng merito.
Ani Calida, bigo ang kampo ni Sereno na maglabas ng mga bagong argumento na magpapabaligtad sa desisyon ng SC en banc na sumang-ayon sa inihain niyang quo warranto petition.
Itinuturing ni Calida ang apela ni Sereno na ‘pro forma’ o binubuhay lamang ang mga isyu na naresolba na ng korte.
Iginiit din ng SolGen na malaki ang kaibahan ng quo warranto proceedings sa impeachment.
Facebook Comments