MOTION FOR RELEASE | PAO hiniling sa Pasay Court na palayain ang mga lumabag sa half naked ordinance ng lungsod

Pasay City – Naghain ng Motion for Release sa Municipal Trial Court sa Pasay City ang Public Attorney’s Office (PAO).

Mismong si PAO Chief Persida Acosta at Regional Public Attorney Marlon Buan ang naghain ng Motion for Release sa sala ni Municipal Trial Court Judge Allan Ariola, Branch 48.

Nais ng Public Attorney’s Office (PAO) na palayain ang labing walong bilanggo na una nang hinuli dahil sa paglabag sa Pasay City Ordinance No. 3395 series of 2005 o Half Naked.


Sinabi ni PAO Chief Persida Acosta, walang kakayahan na makapagpiyansa ang labing pitong kalalakihan at isang babae na lumabag sa ordinansa na nagbabawal na pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.

Sinabi ni Acosta, maging ang multang dalawang daang piso ay hindi kayang bayaran ng mga bilanggo senyales kung gaano kahirap ang buhay.

Mamayang ala una ng hapon ay didinggin ang kaso ng labing walong lumabag sa sala ni Judge Allan Ariola ng MTC Branch 48.

Facebook Comments