Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang petisyong inihain ng kampo ni Congressman Arnolfo Teves Jr., na nagpapabitiw sa DOJ sa Degamo murder investigation.
Pero ayon kay Atty. Andres Manuel, posibleng magsumite ng motion for reconsideration ang kampo ni Congressman Teves.
Aniya, humiling sila ng rason sa panel na nakasulat sa papel na gagamitin nila sakaling magsampa nga ang kampo ni Teves ng motion for reconsideration.
Paliwanag ni Manuel, sinabi ng panel na independent ang kanilang isinasagawang imbestisgayon dahilan kaya hindi pumayag ang panel na mag-inhibit.
Matatandaang nais ng kampo ni Teves na mailipat sa Ombudsman ang imbestigasyon ng kaso dahil sa paniniwalang naiimpluwensyahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang posibleng maging desisyon ng panel of prosecutors sa naturang kaso.