Manila, Philippines – Nagsasagawa na ng moto propio investigation ang PNP Internal Affairs service matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng CIDG region 10 at Misamis Occidental Police Provincial Office laban kina Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog sa Brgy. San Roque Ozamiz City Misamis Occidental.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, layon ng imbestigasyong matukoy kung ang pagggamit ng armas ng mga Operating Team ay nakabatay sa pagtupad ng kanilang trabaho bilang pulis.
Paliwanag ni Carlos, Standard Operation Procedure o SOP na magsagawa ng imbestigasyon ang PNP IAS dahil may namatay sa ikinasang operasyon.
Pero hindi aniya ibig sabihin nito ay may pagkakamali sa panig ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon.
Naninindigan aniya silang lehitimo ang operasyon ng mga pulis dahil may hawak silang searrch warrrant na inisyu ng korte.
Sa ngayon nanawagan si Carlos sa publliko na hintayin ang imbestigasyon ng PNP IAS upang mapatunayan nilang lehitimo ang operasyon ng kanilang tropa at huwag maniniwala sa anumang mga ispekulasyon.
Sa nasabing operasyon mahigit sampung katao ang nasawi kabilang na si Ozamis City Mayor Reynado Parojinog at kanyang asawa at kapatid.