Motor Kontra Fortuner, Dalawa Ang Patay

5091

Cauayan City, Isabela – Tumilapon ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos nakabangaan ang isang Toyota Fortuner sa Lungsod ng Cauayan madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay.

Ang aksidente ay nangyari bandang 2:55 ng madaling araw, Abril 21, 2019 sa Daang Maharlika, Barangay District 1 ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng PNP ay patungong sentro ng Cauayan ang isang itim na Yamaha Mio na sinakyan nina Bryan Paul Quilang y Flores, 22 anyos, walang asawa at isang negosyante at ni Clyde Cruz y Uy, 19 walang asawa at isang estudyante. Ang dalawa ay parehong residente ng Barangay District 2, Cauayan City, Isabela.

Ang pasalubong na Toyota Fortuner ay galing sa hilagang direksiyon nang mangyari ang aksidente. Sa tindi ng banggaan  ay tumilapon sa malayo ang dalawang sakay ng motorsiko.

Naisugod ang dalawang sakay ng motorsiklo sa Isabela United Doctors Medical Center ngunit nadeklarang dead on arrival si Bryan Paul Quilang y Flores. Samantalang sumunod ding namatay habang nilalapatan ng atensiyong medikal si Clyde Cruz y Uy.

Nasa pangangalaga ngayon ng PNP Cauayan si Elmer Codia y Rentoy, 36 anyos, empleyado sa pribadong sektor na taga Bougainville St, Maligaya Park, Quezon City.

Inihahanda na ng PNP Cauayan ang isasampang kaso laban sa naturang indibidwal.

Facebook Comments