Nasunog ang isang nakaparadang motor sa harap ng isang hardware store Brgy. Buayaen, Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pag-aari ng isang naka-duty na gwardya ang motor.
Nadamay sa apoy ang mga importanteng dokumento at kagamitan ng may-ari na nasa loob ng utility box ng motor, maging ang isang tarpaulin at lamesa sa tabi nito.
Hindi naman nadamay sa insidente ang hardware store dahil naapula agad ng mga bumbero ang apoy sa loob ng sampung minuto.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan at kabuuang pinsala sa sunog.
Facebook Comments








