Kalunus-lunos ang kamatayang sinapit ng 40-anyos na motor rider matapos maaksidente at sumuot sa ilalim ng isang provincial bus sa kahabaan ng Ortigas Avenue Pasig City kaninang madaling araw.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Traffic District sumemplang muna saka pumailalim sa kasabayang MMR Transport bus ang biktima na kinilalang si Ezequiel Leonardo ng Cainta Rizal.
Sa pahayag sa pulisya ng nakakitang rider na si Philip Christian Contreras, gumewang gewang muna ang motorsiklo ni Leonardo bago ito tuluyang sumemplang sa kalsada.
Paliwanag naman ng sumukong bus driver na si Ricardo Erilla nagulat na lamang siya nang makarinig ng malakas na kalabog at doon lang niya nalaman na nasagasaan na ang biktima.
Nangyari ang malagim na aksidente matapos ang pag-ulan kaninang madaling araw.