Motor tanker na may kargang coconut oil, bumangga sa ginagawang Davao-Samal Bridge

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa nangyaring pagbangga ng isang motor tanker sa ginagawang Davao-Samal Bridge.

Ito’y matapos makatanggap ng tawag ang PCG mula sa contractor ng naturang tulay para i-report ang nasabing insidente kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, binangga ng MT Toni Dominique 11 ang isang structure ng nasabing tulay habang may karga itong 930 metric tons ng coconut oil.


Agad namang sinuri ng Maritime Safety Services Unit ng PCG ang lugar pero nagnegatibo sa anumang oil spill.

Subalit ang ginagamit na temporary steel bridge ng mga trabahador ng naturang proyekto ay naapektuhan ng pagbangga kung kaya’t inaalam na rin ang magiging pananagutan ng kumpaniya na may-ari ng barko.

Facebook Comments