Motor vessel na sangkot sa iligal na pagbebenta ng langis, nahuli ng PCG

Isang motor vessel ang hinuli ng Philippine Coast Guard matapos na pinaniniwalaang sangkot sa iligal na pagbebenta ng langis o ‘paihi.’

Ayon sa PCG, nahuli ang motor vessel na TJR 3 sa Obando, Bulacan na may walong tripulanteng sakay.

Nang inspeksiyunin daw ng Coast Guard ang sasakyang pandagat ay lumalabas na wala itong kaukulang dokumento.


Nakita rin na may karga ang mga ito na umano’y smuggled o puslit na langis.

Agad na hinatak ng PCG ang motor vessel sa Pier 18 sa Vitas, Tondo, Manila para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments