Motorbanca, Lumubog Sa Quezon Province, Tatlo Patay

19

MANILA – Tatlong babae ang patay sa paglubog ng isang motorbanca sa Quezon Province.Nakilala ang mga namatay na sina Isabelita Oliveros, Rosefel Oliveros at Susan Tajaro na nakatira sa Quezon Province.Animnaput’ dalawa (62) ang sakay naman ng MB Lady Aime ang nailigatas.Ayon kay Philippine Coast Guard Lt. Commander Armand Balilo, galing sa Gumaca port ang motorbanca na papunta sa Bayan ng Quezon nang tumaob ito.Sa imbestigasyon, hindi pa nakakalayo sa pampang ang Lady Aime nang bigla itong hampasin ng malakas na alon kung saan nasira ang bangka at tumaob ito.

Facebook Comments