MOTORBOAT DRIVERS SA MGA ISLAND BARANGAY SA DAGUPAN CITY, PINAGHAHANDAAN NA ANG EPEKTO NG TAG-ULAN

Sa kabila ng nararanasang pag-uulan, tuloy na tuloy ang mga byahe ng mga motorboat, lalo na at ito ang pangunahing transportasyon ng mga residente sa island barangay sa Dagupan City.

Dahil dito, naghahanda na ang mga motorboat drivers/operators sa inaasahan nang mga pag-uulan sa mga susunod na araw.

Ilang mga drivers, nagbahagi ng kanilang paghahanda upang tuloy pa rin ang byahe at mapanatili na rin ang kaligtasan ng mga pasahero sa tuwing bumabyahe ang mga ito sa kailugan

Samantala, paglilinaw ng mga motorboat drivers na araw-araw ang byahe, at hindi naman umano nawawalan ng pampasaherong bangka kahit pa maulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments