Hindi na muna itinuloy ng COMELEC ang ikinasang motorcade/caravan nito sa ilang lugar sa Metro Manila ngayong araw.
Partikular sa Pasay, Taguig, Pateros, Navotas, Valenzuela at Maynila.
Ayon kay COMELEC Director 3 Atty. Frances Arabe, hindi na inobliga ang mga local election officers sa mga nabaanggit na lugar para sa Intensified Voter Registration Information Drive Caravan.
Ang nasabing postponement ng caravan ay bunga ng restrictions na pinatutupad ng Local Government Units (LGUs) sa harap pa rin ng COVID-19.
Layon sana ng motorcade na magpakalat ng mga polyetos sa mga botante, at anyayahan na magpatala sa voters’ registration para sa halalan sa susunod na taon.
Facebook Comments