Motorcycle Back-riding sa Ilocos Norte, ibinalik na

407

iFM Laoag – Inanunsyo ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang pormal na pagpapahintulot sa motorcycle back-riding o angkas sa probinsiya.

Ayun kay Pol. Lt. Col Rely Layug ng Public Relations, pinpahintulotan ang mga indibidwal kung mayroon silang maipakitang katibayan na sila ay naninirahan sa iisang bahay lalo na kung ito ay magkakapamilya, kamag-anak lalo na sa mga mag-asawa.


Gayun paman, kailangan paring gumawa ng harang sa pagitan ng drayber at pasahero ng motorsiklo upang maiwasan ang ‘direct contact’ sa isa’t-isa.

Laking tuwa naman ng mga may ari ng motorsiklo lalo na yung mga may trabaho na kasamahan sa bahay.

Inihahanda na ng PNP ang mga guidelines at ipapalaganap ito sa buong lalawigan. – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments