Aprubado na ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang backriding o ang pag-angkas sa motorsiklo.
Ayon kay Roque, pinayagan na ito pero kailangan pang maglabas ang technical working group ng mga panuntunan para masigurong ligtas ito at magkaroon ng standards kontra COVID-19.
Aniya, hintayin na lamang muna ang paglabas ng mga panuntunan para tuluyang maging legal na muli ang backriding.
Inatasan na ni Roque ang Department of Transportaion (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Education (DepEd), Department of Science And Technology (DOST) at ilan pang ahensya ng gobyerno na magpulong kaugnay sa bubuuing mga pamantayan.
Sa ngayon ay wala pang partikular na limitasyon kung sino lamang ang maaaring sumakay o umangkas sa mga motor.