Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act, na nagmamandatong magkaroon ng malaking plaka sa harap at likod ng mga motorsiklo.
Ayon sa Pangulo – hindi makakabubuti sa mga motorcycle riders ang batas na kanyang nilagdaan.
Bilang silang motorcycle enthusiast, mapanganib para sa mga rider ang pagkakaroon ng malalaking plaka.
Masyado ring mahal ang multang 50,000 hanggang 100,000 pesos.
Susubukan niyang kumbinsihin ang Land Transportation Office (LTO) at Senator Richard Gordon, na may-akda ng batas na magkaroon ng kompromiso at patas na solusyon.
Facebook Comments