Motorcycle rider, patay matapos magulungan ng trak

Manila, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos magulungan ng trak sa Sandoval Avenue, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Kalalabas pa lamang sa garahe ng trak na may plate number na tue-22 nang bumangga sa likurang bahagi ang motorsiklo na minamaneho ng biktmang si jason labon.

Sinubukan pang tumakas ng truck driver na si Rodolfo Romero pero isinuko din ito ng may-ari ng truck na J. Antonio Forwarding Services.


Papunta sana ng pier ang trak na may kargang salamin nang mangyari ang insidente.

Facebook Comments