Motorcycle rider, patay sa aksidente

Quezon City – Patay ang isang motorcycle rider habang nasa malubhang kalagayan ang angkas nito matapos sumalpok ang kanilang sinasakyan na motorsiklo sa puno ng Akasya sa kahabaan ng Congressional Avenue Quezon City.

Ayon sa PO3 Al Sotto QC Traffic 3 masyadong mabilis ang takbo ng rider kung saan mistulang lumilipad ang motorcycle rider sa bilis at bumangga at tumilapon ng ilang metro ang layo at hinihinalang nakainom ng alak dahil naamoy ng mga pulis ang biktima na amoy alak.

Hindi pa rin nakilala ang biktima na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt, naka kargo short at tsinelas at walang suot na helmet nang maaksidente gayundin ang kasama nito na nasa kritikal na kalagayan.


Facebook Comments