Motorcycle rider, patay sa aksidente sa Maynila

Namatay ang isang motorcycle rider matapos na mabangga ng isang kotse sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ralph Jhoreb Doble, 29-anyos na residente ng Brgy. NBBS sa Navotas City.

Naganap ang insidente sa North bound lane ng Roxas Blvd. sa tapat ng US Embassy.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagkasagian ang motorsiklo ng biktima at isang kotse na minamaneho ng US diplomat na si Seawright Lauren Kari.

Bumagsak ang biktima kung saan nagulungan pa ito ng driver ng kotse kung kaya’t dead on arrival sa ospital.

Facebook Comments