Motorcycle rider, sugatan matapos ma-hit and run

Manila, Philippines – Sugatan ang isang lasing na motorcycle rider matapos ma-hit and run sa Willima Street kanto ng Tandang Sora Avenue, Quezon City.
Ayon sa biktima na si Jr. Milea, papunta siya ng Mindanaoa Avenue ng mabangga ng isang pick-up truck na papasok sa subdivision.
Bukod sa mga sugat sa ulo at katawan, pino-problema din ng biktima ang kaniyang cellphone na ninakaw ng nangpanggap na concerned citizen na unang lumapit sa kaniya ng siya ay bumagsak.
Giit naman ng driver ng pick-up na si Gel Batum, hindi niya napansin na nabangga niya ang biktima kung saan nakita na lamang niyang may gasgas at yupi ang likurang bahagi ng kaniyang sasakyan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung sino ang may kasalanan sa naganap ang insidente.

Facebook Comments