Maglulunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Motorcycle Riding Academy sa Metro Manila para mapababa ang bilang ng motorcycle-related accidents.
Sa ilalim ng proyekto, bubuo ang MMDA ng technical working group na siyang gagawa ng formulation para sa Motorcycle Safety Training Course module.
Gagamitin ito sa lahat ng riders para sa tamang pagsasanay at basic knowledge sa basic control at operation ng motorsiklo.
Nakapaloob din sa module ang road safety laws, rules at regulations sa pag-operate ng motorsiklo.
Magbibigay rin ang academy ng mga pangunahing emergency response training para sa motorcycle riders.
Libre ang pagsasanay at bibigyan ang riders ng certificates sa sandaling makumpleto nila ang lectures, practical application at basic emergency response course.