Motorcycle taxi rider na isa ring negosyante, patay sa pamamaril sa bahagi ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City

Patay ang isang motorcycle taxi rider na isa ring negosyante matapos pagbabarilin sa Kingsport Subdivision sa Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City

Nangyari ang pamamaril bago mag-alas 9 kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, nasa laundry shop ang biktima nang lapitan ng suspek saka pinagbabaril.

Ang suspek na nakasuot ng helmet ay isa ring motor rider na agad tumakas sa sa direksyon ng Quirino Highway matapos ang pamamaril.

Facebook Comments